Nalagasan ng isa ang bansang Pilipinas sa listahan ng world’s richest ng Forbes magazine nitong Abril.
Ayon sa real time ranking ng Forbes, bumaba sa 16 mula 17 ang listahan ng bansa kung saan pang-17 si Filipino Businessman Edgar Sia II.
Nananatili namang pinakamayaman sa bansa ang real-estate at retail tycoon na si dating Senate President Manny Villar na may $6.7 bilyon na net worth.—sa panulat ni Rex Espiritu