Lalahok sa isang international events ang Filipino-Canadian swimmer na si Kayla Sanchez kasunod ng pagtatapos ng 2022 world championships.
Ang 2-time olympic medalist na si Sanchez ay magiging kinatawan ng Pilipinas sa mga susunod na kompetisyon sa ibang bansa.
Nabatid na nasungkit ni Sanchez ang silver medal sa 4x100m freestyle at bronze medal sa 4x100m medley sa Tokyo Olympics sa ilalim ng team ng Canada kung saan, wi-nelcome ng Philippine Swimming, Inc. o PSI ang naturang atleta at inihayag na posible itong sumabak sa 2024 Paris Olympics.
Matatandaang una nang nanalo si Sanchez sa 15th FINA World Swimming Championships sa 25meter-division sa Abu Dhabi at sa 19th FINA World Championships na ginanap naman sa Hungary.