Nagbabala ang Filipino community leaders sa mga nais pumasok sa Japan ngayong holiday season.
Ayon sa naturang grupo, mahigpit pa rin ang protocols na pinaiiral sa Japan partikular na ang mga requirement kabilang na ang rt-pcr test result sa mga walang booster shots dahil narin sa muling pagtaas ng kaso ng covid-19 doon.
Bukod pa sa nakakhahawang sakit, mayroon ding flu season sa nasabing bansa, bunsod narin ng malamig na panahon o ang winter season ngayong kapaskuhan.
Nilinaw naman ng Filipino community leaders na walang quarantine requirement sa mga walang booster dose na papasok sa Japan.