Nagbigay ng 7,000 dolyar o katumbas ng P350,000 pisong donasyon ang isang Filipino community sa Amerika para sa mga nasugatang sundalo sa Marawi City.
Tinanggap mismo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang nasabing donasyon sa harap ng mga nagpapagaling na sundalo sa AFP o Armed Forces of the Philippines Medical Center.
Kaugnay nito, nagpasalamat ang kalihim at sinabing patunay aniya ang kanilang natanggap na donasyon na maganda ang reputasyon ng AFP hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Samantala, umabot na sa 35 milyong piso ang pondong nalilikom ng militar para sa mga sundalong nagbuwis ng buhay sa giyera sa Marawi City.
By Krista de Dios / (Ulat ni Jonathan Andal)