Namayagpag ang Filipino creativity sa World Expo 2025 sa Osaka, Japan.
Ito’y matapos na umani ng positibong reaksyon mula sa international press at Japanese community ang ‘Woven’ Philippine Pavilion.
Sa ilalim ng temang “Nature, Culture, and Community: Woven together for a better future,” itinampok ang mahigit 200 woven panels na nilikha ng mga artisan mula sa Pilipinas.
Mayroon din itong film-inspired na anime façade bilang pagkilala sa Japanese culture at mayroon ding artificial intelligence-powered installation na tinatawag na “Dancing with Nature.”
Binuksan ang World Expo 2025 Osaka noong Abril 13.