Naging instant millionaire ang isang Filipino engineer sa Dubai matapos manalo ng one-million-dirham o halos P13-M sa isang grand raffle draw.
Sinabi ni Al Dizon Bansil na ipinagdasal niyang manalo sa Al Ansari Rewards – Summer Promotion 2017 na aniya’y once in a lifetime lamang.
Si Bansil, 43 taong gulang, ay nagtatrabaho bilang Quantity Surveyor at 11 taon nang nasa UAE o United Arab Emirates.
Pina-plano umano ni Bansil na mag-bakasyon sa Pilipinas para ipagdiwang kasama ang kaniyang pamilya sa kaniyang pagkapanalo.
Samantala, bukod kay Bansil, isa pang Pinoy na nakilalang si Sylvia Lizardo Valdez ang nanalo naman ng bagong sasakyan sa isang gala ceremony sa Dubai.