Tuluyan nang nagretiro si Filipino-German Christian Standhardinger sa Gilas Pilipinas.
Inihayag ni Standhardinger ang kanyang desisyon sa kanyang social media account ilang araw matapos mabawi ng Gilas Pilipinas ang kampeonato at gintong medalya sa katatapos lamang na 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia.
Nabatid na nakapagtala si Standhardinger ng siyam na puntos at pitong rebounds laban sa Cambodia.
Naniniwala naman si Standhardinger na marami pang mas batang manlalaro na mayroong malalim na talento sa Pilipinas na aniya ay maaaring hubugin para maglaro sa national team.