Nasikwat ni Filipino gymnast Carlos Yulo ang gintong medalya sa vault event ng Gymnastics World Championship sa Kitakyushu, Japan.
Sa nasabing event, inilampaso ni Yulo ang pito pang gymnasts dahilan upang masungkit niya ang kampeonato.
Nag-average si Yulo ng 14.916 sa dalawang vaults na nangyari isang araw matapos bigong madepensahan ang kanyang titulo sa floor exercise.