Sumakabilang-buhay na kaninang umaga ang Filipino lawyer na binaril sa Amerika.
Ipinabatid ito ni Leah Bustamante Laylo, ina ni Atty. John Albert Jal Laylo na bumibisita lamang sa kanilang mga kaanak sa Philadelphia.
Sa kanyang facebook post, nagpasalamat si ginang Laylo sa 35 years ng buhay ng anak na inilarawan niya bilang good, smart, generous, loving and caring son.
Ang mag-ina ay sakay ng Uber vehicle patungong airport nang pagbabarilin ng hindi pa natukoy na suspek.
Inaayos na ng pamilya ang pagbalik ng mga labi ni Atty. Laylo sa Pilipinas.
Si ginang Laylo ay nagtamo ng minor injuries sa nasabing pamamaril at nasa stable condition na samantalang si Atty. Laylo ay may tatlong tama sa ulo at naka life support na lamang matapos ideklarang brain dead ng mga doktor.