Nakumpleto na ang kauna-unahang Filipino-made Hybrid Electric Train (HET) ang test run nito at pormal nang ibinigay sa Philippine National Railways (PNR).
Ito ay matapos lagdaan nina Science and Technology secretary Fortunato Dela Peña at PNR operations manager Joselin Geronimo ang ownership documents para sa tren.
Ang nasabing hybrid electric train ay binuo ng Metals Industry Research and Development Center na isang attached agency ng DOST at unang pinasinayaan noong 2016.
Isinailalim ang tren sa 150-hour validation test sa Alabang-Calamaba route ng PNR, kung saan pumasa ito sa reliability, availability, maintainability at safety tests.
Nasa kabuuang 220 pasahero ang kayang isakay ng hybrid train na tatakbo ng 50-kilometro kada oras at inaasahang gagamitin na ng PNR para sa commercial sa mga susunod na linggo.