Abot na sa P500-K ang tulong-pinansyal na ibibigay ng kampo ng Filipino pole vaulter na si EJ Obiena sa Sprint Queen na si Lydia de Vega na nasa kritikal na kondisyon dahil sa Breast Cancer.
Ayon kay Obiena, una niyang ipinangako ang pagbibigay ng P200-K na insentibo mula sa Philippine Sports Commission.
Nakuha ito ni Obiena matapos makamit ang bronze medal sa katatapos lang na 2022 World Atlethics Championship.
Tinapatan ng adviser ni Obiena na si James Lafferty ang halaga para sa magiging operasyon ni De Vega.
Matatandaang humingi noon ng tulong pagdarasal at pinansiyal ang kaanak ni De Vega matapos itakbo sa pagamutan ang Sprint Queen dahil sa breast cancer.