Nakatakdang operahan ang kaliwang tuhod ni Filipino Pole Vaulter Ej Obiena.
Ito’y kinumpirma ng kaniyang mentor na si Jim Lafferty kung saan aayusin ang meniscus ng nabanggit na atleta.
Sinabi pa ni Lafferty, hindi pa alam kung ilang bahagi ng tuhod ni Obiena ang kasama sa ooperahan.
Dahil dito, hindi makakapag ensayo si obiena dahil sa nalalapit na operasyon.
Samantala, nakatakdang sumabak sa init indoor meeting sa Karlshuhe, Germany na magaganap sa January 28.
Habang sasabak ulit ito sa asian indoor championship na gaganapin naman sa Kazakhstan mula February 11 hanggang 13.