Pasok na si Filipino pole vaulter Ej Obiena sa finals ng world athletics championship na ginanap sa United States.
Kabilang ang olympian sa Top 12 performers mula sa dalawang grupo ng mga vaulter sa qualification round matapos ma-clear ang 5.75 meter mark sa two attempts nito.
Makakalaban naman ni Obiena sa finals ang record holder na si Armand Duplantis at top vaulters na si Christopher Nilsen, Oleg Zernikel at Thiago Braz.
Samantala, nakatakda ang final round sa Lunes ng umaga.