Hindi lamang isa kundi 2 beses nang isasalang sa COVID-19 test ang lahat Filipino seafarers papuntang China.
Sa abiso ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), maliban sa nucleic acid test ay obligado na ring magpasailalim sa COVID-19 IGM antibody test ang mga Pinoy sea-based workers na papasok sa nabanggit na bansa.
Sinasabing sa loob ng 2 araw o 48 oras bago sumakay ng barko patungong China ay dapat magpa-test muna ng 2 beses ang mga Pinoy sa mga nakatalagang testing facilities na nasa official website ng embassy of China.