Isinusulong ni Senator Bam Aquino ang batas ukol sa paggamit ng FSL o Filipino Sign Language para sa kapakanan ng mga may kapansanan sa pandinig.
Ito ay kasunod na rin ng mga natanggap na papuri ng mga language interpreters sa katatapos na SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Aquino, nagpapasalamat siya sa pagsisikap ng mga nasabing interpreters para maihatid sa mga Pilipinong bingi ang mensahe ng Pangulo.
Dahil dito umaasa ang Senador na magiging daan ito para bigyang halaga ang paggamit ng Filipino Sign Language.
Sa isinusulong na Senate Bill Number 966 o Filipino Sign Language Act, inaatasan ang paggamit ng FSL sa mga paaralan, opisina at broadcast media.
By Krista de Dios