Handa nang sumabak sa Australian open qualifiers si Filipino tennis sensation Alex Eala.
Makakasagupa ni Eala ngayong araw na ito si dating top 30 player Misaki Doi ng Japan.
Ang 17-year-old na Pinay ay ranked 215 sa Women’s Tennis Association samantalang ranked 172 ang 31-anyos na Japanese veteran.
Sinabi ni Eala na nasasabik siya sa nasabing laban at gagawin niya ang lahat para magtagumpay kontra kay Doi na dalawang beses nagwagi ng WTA 125 series titles sa San Antonio at Bastad.