Isang Filipino-Turkish Non-Government Organization ang namahagi ng karneng baka bilang paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Tinatayang 20,000 mahirap na Filipino ang nakatanggap kahapon at tatanggap ngayong araw ng karneng baka mula sa Filipino-Turkish Tolerance School o F.T.T.S.
Ayon kay Maruf Celebi, director ng F.T.T.S., mahigit 3,000 underprivileged families sa Zamboanga City ang target na mabigyan maging ang mga pamilyang naapektuhan ng digmaan sa Marawi City.
Tinatayang 80 hanggang 90 baka ang kinatay sa tulong ng Australian Relief Organization at Integrated Center for Alternative Development na foundation ng F.T.T.S.
By: Drew Nacino
SMW: RPE