Nakikiusap sa Commission on Elections ang ilang Filipino voters sa Canada na tanggapin at bilangin pa rin ang kabilang mail-in ballots sakaling matanggap ito ng konsulada na lagpas na sa May 9 deadline.
Ayon kay Koalisyon Kontra Daya (KKD) Canada coalition spokesperson Marissa Corpus, huli na rin kasi nang na-i-mail out ang mga balota na dahilan para huli na silang makaboto.
Aniya, ang kanilang panawagan ay isang serious concern at tuloy-tuloy lamang sila sa pag-follow up hanggang sa makatanggap na sila ng sagot mula sa awtoridad.
Nabatid na ang Canada ang isa sa sampung bansa na may pinakamaraming rehistradong botanteng Pinoy.