Target ng Pilipinas na makapag-set-up ng isang “fill and finish” facility para sa COVID-19 vaccines sa susunod na taon ayon sa Food and Drug Administration (FDA).
Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na ang “fill and finish” facility na ito ay kung saan magbabagsak sa Pilipinas ng maramihang produkto at ire-repack ito sa maliliit na vials, ampoules o mga syringes.
Kapag naisakatuparan ito, sunod na pag-aaralan naman ay ang pagkakaroon ng manufacturing sa bansa nang iba’t ibang klase ng bakuna.
Ani Domingo, sinisimulan na ng awtoridad ang pakikipag-ugnayan sa manufacturers sa iba’t ibang bansa gaya ng Cuba, China at Russia para sa posibleng “technology transfer” para sa nasabing pasilidad.