Posibleng maglabas na ng kaniyang pinal na desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte gayundin hinggil sa action plan ng pamahalaan para sa isla ng Boracay.
Ito’y ayon sa Malakaniyang ay dahil sa tatalakayin na ngayong araw sa isasagawang cabinet meeting ang isinumiteng rekumendsayon ng environment, tourism at interior department na anim na buwang total shutdown sa isla.
Kasunod nito, inihayag naman ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra na may mga ayuda na silang inihahanda para sa lahat ng mga apektadong manggagawa sa isla.
Inatasan na nila ang DOLE o Department of Labor and Employment at DSWD o Department of Social Welfare and Development para mag-alok ng alternatibong pagkakabuhayan ang mga apektadong manggawa sa isla.
Pero nilinaw ni Guevarra, hindi magiging biglaan sa halip ay phase by phase ang gagawing pagpapasara sa naturang isla upang mapaghandaan pa ito ng iba pang mga residente roon
Handa rin aniyang gamitin ng pamalaan ang umiiral na environmental laws at police powers nito upang gamiting batayan sa pagpapasara sa naturang isla.