Nagtakda na ng ‘final’ deadline ang Department of Interior and Local Government (DILG) para matanggal ng mga alkalde ang lahat ng obstruction sa mga kalye at sidewalks.
Kasunod ito ng pahayag ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nasa 80% hanggang 90% nang malinis sa obstruction ang national roads ng National Capital Region (NCR).
Gayunman, halos mahigit sa kalahati pa lamang umanong malinis ang mga inner at secondary roads.
Una rito, napaulat ang plano ng Caloocan City Government na humingi ng palugit dahil wala pa silang nakukuhang lugar para sa relokasyon ng mga nakatira sa mga sidewalks at side streets ng syudad.
Umabot na rin sa limang (5) barangay hall ang giniba ng Caloocan City dahil nakakaharang ang mga ito sa kalsada.