Inaprubahan na ngayong araw ng Consultative Committee ang final draft ng bagong Saligang Batas.
Sa ilalim ng panukala, mahahati sa labing-walong rehiyon ang bansa kung saan mayroong tig-dalawang senador, isang regional governor, deputy regional governor.
Bawat legislative district naman ay may kanya-kanyang kinatawan at madaragdaagan ng isandaan animnapung kinatawan ng mga political party kaya’t aabot na sa apatnaraan ang bilang ng mga kongresista.
Ayon kay Con-Com Spokesman Ding Generoso, pipiliin ang mga regional at deputy regional governor ng mga miyembro ng regional legislative assembly na ihahalal ng taumbayan.
Lahat anya ng halal na opisyal ay maninilbihan ng apat na taon at hanggang dalawang taong termino lamang.
Nakasaad din sa draft constitution na malilipat sa mga rehiyon ang kapangyarihan sa pagkolekta ng ilang buwis at apatnapu hanggang limampung bilyong piso ang inaasahang direktang mapupunta sa mga rehiyon.
Inaasahang maisusumite na kay Pangulong Rodrigo Duterte sa July 9 ang nasabing draft, dalawang linggo bago ang ikatlong SONA sa July 23.
—-