Buo na ang final four sa NBA matapos na manalo ang Boston Celtics sa Game 5 ng Eastern Conference semi-finals kontra Philadelphia 76ers sa iskor na 114 – 112.
Pinangunahan ni Jayson Tatum ang panalo ng Celtics kontra 76ers kung saan nakakolekta ito ng 25 points.
Nag-ambag din sa laban si Jaylen Brown na may 24 points at Terry Rozier na nakagawa naman ng 17 points.
Dahil dito, muling makakaharap ng Celtics sa ikalawang sunod na taon si Lebron James at Cleveland Cavaliers.
Nakatakda naman ang Game 1 ng Eastern Conference Finals sa Lunes, Mayo 14 oras sa Pilipinas.
—-