Wala pa ring final line-up ang Gilas Pilipinas para sa Southeast Asian Games, na magsisimula sa Mayo a-12 sa Hanoi, Vietnam.
Ayon kay Butch Antonio, deputy executive director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), hiniling na nila sa Philippine Olympic Committee na i-atras ang deadline na noon pang Marso a-12 nagtapos.
Ito ay para masigurong maayos ang line-up at makamit ang gold medal.
Mayroong 16 na manlalaro ang Gilas, pero 12 lamang ang ilalaban sa SEA Games.
Kabilang dito sina; June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Kevin Alas, Thirdy Ravena at Dwight Ramos.