Natapos na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pinal na listahan ng mga prayoridad na sektor sa ilalim ng Create Law.
Dahil dito, umaasa si House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na gaganda na ang Foreign Direct Investment (FDI) ng bansa ngayong taon.
Ang hakbang ay magpapahintulot sa mga investments sa ilalim ng “tier 2″ at tier 3” na makatanggap ng mas mataas na insentibo sa buwis.
Tiwala naman ang kongresista na malalagpasan pa ngayong 2022 ang 2021 record sa pinakamataas na pagdagsa ng foreign investment.
Sa ngayon, target na maitaas pa ito sa 20 bilyong dolyar mula sa dayuhang mamumuhunan sa taong 2026. – sa panulat ni Abby Malanday