Posibleng malagdaan na ang pinal na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF sa Agosto ngayong taon.
Ayon kay GRP Peace Panel Chairman Silvestre Bello III, ito ay kung mapagkakasunduan na ng magkabilang panig ang CASER o Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms.
Aniya, ang CASER ay ang siyang maituturing na pundasyon ng peace talks dahil sa sakop nito ang mga sensitibong usapin tulad ng genuine land reforms, independent foreign policy at national industrialization.
Magiging madali na rin aniya ang pag-apruba sa natitirang isyu, ang political and constitutional reforms and cessation of hostilities and disposition of forces sakaling mapagkasunduan ang CASER.
Gugulong ang susunod na usapang pangkapayapaan sa The Netherlands simula Abril 1 hanggang 7.
By Rianne Briones
*Photo from: CPP website