Nasa final stages na ang North Korea sa plano nitong magbagsak ng apat na intermediate range ballisitic missile sa karagatan ng US Pacific territory na Guam.
Ayon kay Gen. Kim Rak Gyom, Commander ng Strategic Force ng Korean People’s Army, ipe-presinta na nila kay Supreme Leader Kim Jong Un anumang araw ang final plan habang naka-stand by na rin ang apat na hwasong-12 missile na gagamitin sa pag-atake.
Hinihintay na lamang anya nila ang “go signal” mula sa kanilang Supreme Leader.
Samantala, isang pagdiriwang na tatagal ng limang araw ang pinasinayaan sa kabisera na Pyongyang bilang pagkilala sa mga pamana ng tatlong henerasyon ng Kim dynasty na nagsisilbing tagapagtaguyod ng NoKor.
Imbitado sa naturang pagdiriwang ang mga kinatawan mula sa mga bansang malapit sa North Korea tulad ng China at Russia.
Kabilang sa highlight ng naturang event ang isang malaking military parade kung saan inaasahang ilalabas ng NoKor ang kanila umanong pinaka-modernong inter-continental ballistic missiles na maaaring lagyan ng miniaturized nuclear warheads.
By Drew Nacino