Ilalabas na sa Martes, Oktubre 13, ang pinakahuling report ng mga imbestigador kaugnay sa pagbagsak ng Malaysia Airline Flight MH17 noong nakaraang taon, na ikinasawi ng halos 300 katao.
Ayon sa ulat ng Agence France Press, ilalabas ng lead investigator sa insidente na dutch safety board, ang nasabing report.
Partikular na sasagutin ng report ay ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano; ang isyu ng paglipad nito sa mga lugar kung saan mayroong kaguluhan; ang dahilan kung bakit kinakailangan pang maghintay ng 2 hanggang 4 na araw ang mga pamilya ng mga biktima para makumpirmang kasama sa flight ang kanilang mga kaanak; at kung hanggang saan ang pagkaka-alam ng mga pasahero sa pagbagsak ng sinasakyan nilang eroplano.
Samantala, umaaasa naman ang pamilya ng mga biktima na ang ilalabas na report sa Martes ay makapagbibigay linaw sa kung sinong partido ang dapat managot sa pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay.
By: Jonathan Andal