Ikinalungkot ng Malacañang ang pagkakaipit ng dalawang sibilyan sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng militar at ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa North Cotabato.
Batay sa inilabas na final report ng pamahalaan, isang sibilyan ang nasawi habang isa ang nasugatan sa nangyaring engkuwentro habang nailigtas naman ang 30 na binihag ng mga bandido.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, isa ang nasawi at dalawa ang nasugatan sa panig ng militar habang anim naman ang nasawi at walong (8) iba pa ang sugatan sa panig ng BIFF.
Dahil sa pangyayari, napilitang magsilikas ang may 367 residente ng Barangay Malagakit sa bayan ng Pigcawayan dahil sa takot na maipit sa bakbakan.
By Jaymark Dagala / with report from Aileen Taliping (Patrol 23)
Final report sa BIFF attack sa North Cotabato inilabas na was last modified: June 24th, 2017 by DWIZ 882