Hawak na ng Commission on Elections ang final software na gagamitin sa 2022 national and local elections.
Kinumpirma ni COMELEC Commissioner Marlon Casquejo na noon pang Setyembre 16 sa kanila itinurn-over ng smartmatic ang software.
Sa kanyang pagharap sa Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System, inihayag ni casquejo na sisimulan nila sa Oktubre ang local source code review.
Noong Mayo lamang ay inanunsyo ng COMELEC na ini-award nito sa smartmaticat local partner na SMMT-TMI 2016 ang P402.7 milyon na kontrata para sa gagamiting election software sa susunod na taon.—sa panulat ni Drew Nacino