Umarangkada na ang final testing and sealing o FTS para sa mga vote counting machines (VCMs) na gagamitin sa eleksyon sa Lunes, Mayo 9.
Ang FTS ay isinagawa ng mga board of election inspectors (BEIs) na sasaksihan ng iba’t ibang election watch groups sa may 92,505 precincts.
Tig-10 botante ang pinaboto sa mga VCMs sa kada presinto para malaman kung maayos na gumagana ang mga ito.
Pagkatapos ng FTS ay sinelyuhan na ang mga VCMs at bubuksan lamang ang mga ito ganap na alas-5:00 ng umaga sa araw ng eleksyon sa May 9.
By Len Aguirre