Naantala ang final testing at sealing ng mga vote counting machine (VCMs) sa Cotabato City matapos magkaroon ng gulo sa pagitan ng ilang supporters ng mga kandidato sa main gate ng Bangsamoro Government Center.
Bantay sarado ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang main gate ng Bangsamoro Government Center ilang Metro ang layo sa mismong tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Mindanao.
Dahil dito, dalawa ang hinuli matapos paulanan ng mga bato ang ng grupo ng mga lalaki ang isang SUV na nakaparada sa nasabing lugar.
Agad namang isinara ang gate ng tanggapan ng COMELEC at itinigil ang operasyon dahil sa tensiyon kung saan, pinull-out ang mga VCMs at iba pang election paraphernalias gamit ang military vehicle mula sa tanggapan ng COMELEC.
Sa ngayon, dinala na sa Cotabato City Central Pilot Elementary School at iba pang mga presinto ang mga VCM na babantayan naman ng mga electoral board ng Philippine National Police (PNP).