Sinampahan kaso ang Finance Chief ng Vatican na si Cardinal George Pell.
Ito ay may kaugnayan sa multiple sex offense na ginawa umano ng Kardinal batay sa mga nagreklamo.
Pinadalhan na ng summon ang 76 anyos na si Pell at pinahaharap sa Melbourne Magistrates Court sa Australia sa Hulyo 18 para sa pagdinig ng kaso nito.
Si Pell ang ikatlong pinakamataas na opisyal ng Vatican.
Taong 2014 nang magtungo ang Kardinal sa Vatican matapos hirangin ni Pope Francis bilang Finance Chief.
By Ralph Obina