Hinimok ni French Finance Minister Bruno Le Maire ang Russian counterpart nito na huwag makilahok sa Group of 20 Economic Powers Meeting kasama ang mga finance ministers.
Ayon kay Le Maire, hindi ayon sa international cooperation ang kasalukuyang digmaan sa Ukraine na kinasasangkutan ng Russia.
Dagdag pa ng finance minister na nag-demand na sila sa Russia na itigil na ang nangyayaring military action laban sa Ukraine ngunit wala itong tugon ukol dito.