Aabot sa1P00K ang nilimas ng mga hacker matapos ang ginawang pag-atake nito sa Landbank of the Philippines mula sa Finance Officer ng Naic Police Station sa Cavite.
Batay sa report ni P/SMSgt. Haidee Sabas, ang nalimas sa kanila ng mga hacker ay ang pondo para sa kanilang Maintenance Operating and Other Expenses (MOOE).
Nakatanggap ng mensahe si Sabas nuong Abril 2, Sabado sa kaniyang e-mail account na nagsasabing nagkaroon ng fund transfer gamit ang account ng Naic PNP.
Unag naitransfer ang nasa P47,700 sa isang Landbank account habang sa Union Bank account nailipat ang ikalawa na aabot sa P50K.
Laking gulat na lamang ni Sabas nang mag-balance inquiry ito sa ATM card ng kanilang tanggapan dahil sa P57 na lamang ang natira.
Pero hindi pa rito nagtapos, dahil nang tingnan din ni Sabas ang kaniyang payroll account ay tumambad sa kaniya ang zero balance dahil nilimas na rin ang P2,400 na kaniyang iniwan.
Agad ipinagbigay-alam ito sa Chief of Police ng Naic na si P/LtCol. Resty Soriano at nakapaghain na rin sila ng pormal na reklamo sa Branch Manager ng Landbank sa Rosario para maimbestigahan.
Samantala, ipinag-utos na rin ni Police Regional Office 4A (CALABARZON )PNP Regional Director, P/BGen. Antonio Yarra ang malalimang imbetigasyon hinggil dito lalo’t duda sila na kapag may nawawalang pondo sa isang opisina ay tiyak na naitatalpak na ito sa e-sabong. -ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)