Malabong mag-pull out sa Pilipinas ang mga BPO o Business Process Outsourcing o call center industry dahil lamang sa mga maaanghang na pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Estados Unidos.
Ayon kay Astro del Castillo, isang financial at investment analyst, mas tinitignan pa rin ng mga negosyante ang fundamentals ng ekonomiya ng isang bansa na kinaroroonan ng kanilang negosyo.
Ipinaliwanag ni Del Castillo na ang tinatanggal lamang ang negosyo sa isang bansa kung may problema ito sa peace and order, kung mahal ang labor o mahina ang infrastructure tulad ng telcos.
Sinabi ni Del Castillo na kung may dapat pangambahan at dapat tutukan ang Pilipinas na may kaugnayan sa mga negosyo ng US sa bansa, ito ay kung sino ang mananalong presidente sa kanilang eleksyon sa Nobyembre.
Bahagi ng pahayag ni Astro del Castillo, Financial Analyst
Nagbabala si Del Castillo na hindi lamang ang 1.2 milyong empleyado ng BPO ang apektado kapag nagsara ang industriya.
Bahagi ng pahayag ni Astro del Castillo, Financial Analyst
ECOP
Pinawi rin ng ECOP o Employers Confederation of the Philippines ang pangamba sa sinasabing pag-pull out ng mga US companies sa Business Process Outsourcing (BPO) industry sa Pilipinas.
Bagamat aminado si Donald Dee, pangulo ng ECOP na may impact ang mga maaanghang na pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Estados Unidos, hindi anya ito magiging dahilan ng pag-pull out sa bansa ng mga BPO companies ng US.
Ang mahalaga anya ay patuloy naman ang ginagawang pagsasaayos ng gobyerno sa investment climate sa bansa at hindi pinahihirapan ang mga gustong mag-negosyo dito.
Tinatayang nasa 25 bilyong dolyar ang halaga ng investments sa BPO industry sa bansa.
By Len Aguirre | Ratsada Balita