Tiniyak muli ng pamahalaan na maibibigay sa mga karapat-dapat na recipients ang financial assistance ng pamahalaan sa pamamagitan ng ilang mga programa gaya halimbawa ng AKAP program.
Ayon kay DOLE Undersecretary Benjo Benavidez, bukod sa may sinusundang guidelines sa pagpapatupad nito ay subject din sa coa audit ang halaga na ginugugol dito.
Binigyan-diin ni Usec. Benavidez na madaling makita kung qualified ang isang benepisyaryo at kapag napatunayan anya nilang hindi pala dapat tumanggap, ay ipinababalik nila ang ayudang naibigay at ibinabalik sa kaban ng bayan.
Giit pa ng DOLE Official, maraming pagkakataon na may binawian sila ng ayuda, lalo na noong panahon ng pandemya. Mayroon din silang binawian dahil sa dobleng tulong na natanggap ng isang recipient.
Ipinunto ng opisyal na nararapat lamang, lalo’t ang salaping gamit dito ay taxpayers’ money na aniya’y dapat magamit sa tamang paraan. – Sa panulat ni Kat Gonzales