Kinuwesyon ni Senate Committee on Public Services Chair Grace Poe ang kahandaang pinansyal ng ikatlong telco ng bansa na Dito Telecommunity Corporation.
Ito’y sa harap ng napipintong paglulunsad ng commercial operations ng Dito Telco sa darating na Lunes, Marso 8 sa ilang piling lugar sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay Poe, nababahala siya kung saan aniya kukuha ng capital ang Dito Telco lalo’t nasa P20 bilyong pa lamang mula sa kabuuang P250 bilyong pangako nito ang kanilang naaabot.
Magugunitang inamin mismo ng mga opisyal ng DITO telco na sina Chief Technology Officer Rodolfo Santiago at chief administrative officer Atty. Adel Tamano na nalugi ang kanilang kumpaniya sa unang dalawang taon ng operasyon nito.