Ipatutupad na simula sa susunod na taon ng Department of Education o DepEd ang pagsasalang sa financial literacy ng mga guro sa public schools.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Education Secretary Leonor Briones kasunod nang pagpalo sa 300 bilyong piso ng utang ng mga guro.
Ayon kay Briones, ilang school superintendents nila ang nagkakasa na ng financial literacy bilang bahagi ng pre-entry training sa mga guro para maturuan ang mga ito na makapag-ipon at hawakan ng maayos ang kanilang mga kita.
Lahat ng teachers bigyan ng maski overview o exposure kung paano mag-handle ng pera, madami kasing nagungutang na hindi aware na kung hindi agad mabayaran ang utang at tumataas ang interes, palaki ng palaki yan, kailangan nilang malaman yan at maturuan sila ng mga paraan para maka-save sila.”
- Pahayag ni Briones