Binigyan ng dalawang linggong palugit o hanggang Hunyo 17 ng Insurance Commission ang kumpaniyang Provident Plans International para ayusin ang kanilang kundisyong pinansyal.
Ayon kay Commissioner Dennis Funa, posibleng maisailalim sa conservatorship o ang pagsisiyasat ng korte ang naturang kumpaniya kung mabibigo itong makapagsumite ng kanilang plano hinggil sa capital impairment at trust fund deficiencies.
Magugunitang nangako ng Provident nuong mga buwan ng Pebrero at Marso na kaya nilang matutugunan ang mahigit na 400 Milyong Pisong kakulangan sa kanilang pondo.
Sa kasalukuyan, mayruong 38000 plan holders ang Provident partikular na ang may hawak ng life o memorial plans, education at pension.
By: Jaymark Dagala