Iginiit ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez na hindi maaaring balewalain ang findings ng Commission on Audit (COA) sa mga ginagawa nitong report kaugnay sa pondong ginagastos ng bawat ahensya ng gobyerno.
Ani Rodriguez, karapatan ng taumbayan na malaman kung saan napupunta ang buwis na kanilang binabayaran at isa ito sa mga paraan na iyon.
Nagsisilbi aniyang watchdog ng public offices ang mga state auditor.
Kaya naman dapat umanong magpaliwanag ang mga ahensya ng gobyerno na nakikitaan ng deficiencies sa kanilang pondo dahil posibleng mauwi ito sa anomalya o kurapsyon.
Una rito, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang mga miyembro ng gabinete na sundin lang ang kaniyang mga utos at huwag intindihin ang COA.