Nakatakdang ilabas ng Office of the Ombudsman ang kanilang findings hinggil sa kontrobersyal na Malampaya Fund Scam bago matapos ang taong ito.
Ipinabatid ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na ibinalik niya sa investigating panel ang initial findings nila sa Malampaya at inaasahang ibabalik ito sa kanya ng panel for approval bago sumapit ang Disyembre 15.
Sa kabila nito, tikom ang bibig ni Morales kung kasama sa madidiin sa Malampaya Fund Scam si dating Pangulo ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.
Si Ginang Arroyo ang lumagda sa isang Executive Order na nagbibigay ng otorisasyon para i-release ang pondo na laan sana sa mga biktima ng bagyo, subalit napunta sa mga ghost project.
By: Meann Tanbio