Hindi tumugma kay US Marine Corporal Joseph Scott Pemberton ang fingerprint sa condom wrapper na natagpuan sa motel room kung saan napatay ang transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude.
Base ito sa laboratory examination ng PNP Fingerprint Division sa naturang condom wrapper.
Ang nabanggit na laboratory examination ay isinagawa noong July 29 batay sa kahilingan ni Judge Roline Ginez- Jabalde ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 74.
Matatandaang si Pemberton ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Laude.
By Ralph Obina