Sa ikalimang pagkakataon, muling hinirang bilang world’s happiest country sa mundo ang Finland.
Ayon sa taunang World Happiness Report na isang UN-sponsored index, ang nasabing ranking ay nakabase sa isinagawang life evaluations ng Gallup World Poll.
Pumangalawa naman sa pwesto ang Denmark, na sinundan ng mga bansang Iceland, Switzerland, Netherlands.
Habang nasa pinakahuling pwesto naman ang Afghanistan bunsod na rin ng sigalot sa nasabing bansa matapos sakupin ng grupong Taliban ang kanilang pamahalaan.
Samanatala, nakapagtala naman ng biggest boosts in wellbeing ang mga bansang Bulgaria, Romania at Serbia. – sa panulat ni Abie Aliño-Angeles