Bumaba ang bilang ng sunog sa taong ito kumpara noong nakalipas na taon.
Ayon kay Bureau of Fire Protection o BFP-PIO Fire Superintendent Joanne Vallejo, bumaba ng 35 porsyento ang mga naitalang sunog sa pagitan ng 2017 at 2016.
Sinabi ni Vallejo na kabilang sa mga kadalasang dahilan ng sunog ang linya ng mga kuryente, may sindi pang sigarilyo at open flames.
Pinayuhan ni Vallejo ang publiko na dapat maturuan ang mga bata para mag-ingat kontra sunog lalo na’t kung naiiwan sa bahay ang mga ito.
Kasabay nito mahigpit din ang babala ng BFP sa paggamit ng mga paputok ngayong holidays partikular ang pagsalubong sa Bagong Taon.
—-