Tumaas ng halos 13% ang fire incidents sa unang dalawang buwan ng taon.
Sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP), aabot sa 2,100 sunog ang naitala simula Enero hanggang kahapon.
Kumpara ito sa mahigit 1,800 fire incidents sa kaparehong panahon noong isang taon.
Ayon kay BFP Spokesperson, Super Intendent Annalee Carbajal-Atienza, kabilang sa pangunahing sanhi ng pagkalat ng apoy ay faulty electrical wiring.
Nagbabala naman si Atienza sa publiko sa paggamit ng electrical appliances ngayong nalalapit ng mag-tag-init.
Kahapon, tatlong sunog ang naitala sa Metro Manila at Western Visayas, sa unang araw ng Fire Prevention Month.