Pormal nang inilunsad ng MMDA at BFP o Bureau of Fire Protection ang “Fire Lane” sa kahabaan ng EDSA.
Ang fire lane ay ang ikaapat na lane mula sa sidewalk at ito ay itatalaga para sa mga trak ng bumbero.
Sinabi ni BFP NCR Regional Dir. Wilbero Kwan Tiu na importante ang pagkakaroon ng sariling lane para sa mga trak ng bumbero, para sa mas mabilis nilang pagresponde at nang sa gayun ay hindi na rin ang bumbero ang iiwas sa mga motorista.
Malaking tulong din aniya kung magtatalaga ng fire lane ang mga mayor sa kanilang mga lugar na nasasakupan.
By Katrina Valle