Umarangkada na ngayong araw ang pagsisimula ng fire prevention month.
Tema ngayong taon ng fire prevention month ang “Kaligtasan sa Sunog: Alamin, Gawin at Isabuhay Natin.”
Sisimulan ito ng sabayang “walk for a fire free and a fire-safe nation” ng lahat ng Bureau of Fire Protection (BFP) units bukod sa BFP National Headquarters at National Capital Region (NCR).
Isasagawa naman ito ng BFP-NHQ at NCR sa Linggo sa Quezon Memorial Circle na pangungunahan ni BFP Officer-in-Charge Chief Supt. Ariel Barayuga.
Eksakto alas-12:00 naman mamayang tanghali ay limang minutong magpapatunog ng fire-alarms ang lahat ng fire stations sa buong bansa.
Ilulunsad din ang kauna-unahang BFP National Fire Olympics sa March 3 at 4 na isa sa highlights ng fire prevention month ngayong taon.
Samantala, tiniyak din ng BFP na mas paiigitngin pa ang fire safety awareness campaign ngayong buwan ng Marso.
—-