Naghain ng resolusyon sa Kongreso si ACT- CIS Representative Samuel Pagdilao na humihirit na amyendahan ang Republic Act 10591 o Firearms and Ammunition Act.
Ang hakbang ay ginawa ni Pagdilao matapos mabunyag ang ‘tanim-bala scam’ sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA kung saan nabibiktima ang mga pasahero.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang diin ni Pagdilao na masyadong istrikto o mahigpit ang kasalukuyang batas kaya’t tila nagagamit ito ng mga mapagsamantala.
Pabor naman si Pagdilao sa isinusulong na lifestyle check para sa mga security personnel sa paliparan.
“Kailangang balansehin natin ang safety at security ng ating passengers at this time of terrorism, kinakailangan po talaga pag-ingatan, we have to discuss and thoroughly study yung bagay na yan.” Pahayag ni Pagdilao.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita