Hindi pa naisasapinal ang kasunduan kaugnay sa pagbili ng armas ng Pilipinas sa China.
Ayon ito mismo kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua.
Sinabi ni Jianhua na pinag-aaralan pa ng dalawang panig ang mga posibilidad sa nasabing hakbang sa gitna na rin ng mga paunang pag-uusap hinggil dito.
Kapag natuloy ang kasunduan, ipinabatid ni Jianhua na light arms at hindi heavy equipment ang ibibigay ng China sa Pilipinas para na rin aniya makatulong sa kampanya partikular kontra illegal drugs at terorismo.
Gayunman, inihayag ni Jianhua na bahala pa rin ang gobyerno ng Pilipinas na mag-desisyon kung saang bansa bibili ng armas sa nakikita nitong tamang presyo.
By Judith Larino